Nauuso ngayon ang kasabihang Kilay is Life, but for me Food is life. I love eating food. Maraming nagsasabi sa akin na ang lakas ko kumain pero hindi ako tumataba. Sinasabi ko na lang na subukan nilang maglakad ng ilang kilometro pauwi ng bahay nila, ewan ko lang kung hindi ka papayat. hahahaha.... Sabi nga ng kaibigan ko, ako ang reason kung bakit siya tumataba. Ang hilig ko daw kasing magyaya na kumain sa labas. hahahaha.... Ganun talaga for me kasi food is life. hindi ako mahilig sa mga gadgets or ibang mga bagay. Kaya malimit na nauubos ang pera ko sa kakakain. Sinasabi rin nila na pag ako ang nagsabi na masarap kumain sa isang Restaurant, ibig sabihin totoong masarap kasi malaki ang tiwala nila taste bud ko.
Mahilig din ako magrekomenda ng restaurant sa mga kakilala ko. kaya ako ang malimit tanungan kung saan masarap dalhin ang Pamilya nila o kaibigan.
One time nagyaya ang Mama ko na kumain sa Restaurant sa Glorietta, niyaya ko rin ang isa kong kaibigan. Sabi ng Mama ko sa Korean Restaurant kami kumain, pero siyempre hindi naman kalakihan ang budget namin sa pagkain. sinabi ko na lang na sa isang Vietnamese Restaurant kami kumain. Sa PhoBac. I really really love their food! The Shrimp Spring Roll is so yummy tapos isawsaw mo pa sa manamis-namis nilang Vinegar is the best. at hindi ko aakalaing mauubos ko ang isang order ng ako lang mag-isa. mabuti na lang umorder pa sila ng isa. hahahahaha....... The Pomelo Salad is heavenly delicious. Big serving and cheap. pwede na siya sa tatlo katao pero siyempre mahihina kumain ang mga kasama ko. sa akin nila pinaubos. hindi nakakaumay ang lasa. Very healthy pa siya. Nakakain na rin ako ng ibang Pomela Salad sa ibang Vietnamese Restaurant pero hindi ko pa rin ipagpapalit ang PhoBac Restaurant sa iba. Even their Noodle soup are delicious. Big bowl for 3 persons in a cheap price. not bland taste. Very malinamnam ang lasa at hindi maramot sa laman. The only problem in that restau is the place. Maliit lang ang space kaya konting customers lang ang maaaccomodate. Sana medyo palakihan nila ang lugar para hindi na kalangan maghintay sa labas ang ibang gustong kumain. So far yun lang naman ang nakikita kong problema pero sa food pur posive feedback ang masasabi ko. Wish ko lang na magkaroon sila ng branch sa South para mayayaya ko ang iba ko pang friends.
Wala akong maishare na photos. Gusto ko na kasing kumain at that time at excited ako kaya hindi ko na naisip na magpicture taking. next time na lang sa susunod kong bisita. hahahaha....
Edited version: yun may photos na rin sa wakas. Hahahaha.... hiningi ko lang to sa friend ko. Kinuha niya sa instagram account niya. Tinamad sabi ba naman icrop ko na lang. Hahahaha.... Thank you friend sa photos. Mwahugs!
Edited version: yun may photos na rin sa wakas. Hahahaha.... hiningi ko lang to sa friend ko. Kinuha niya sa instagram account niya. Tinamad sabi ba naman icrop ko na lang. Hahahaha.... Thank you friend sa photos. Mwahugs!
Yun lang po muna. Back to work para may pangkain ulit.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento