Well,
I’m back! Nandito na naman ako upang mag-ulat sa inyo ng isang kakaibang
istorya. Joke!!! Hehehehe….. Ano pa ba naman ang ikukuwento ko sa inyo kung
hindi tungkol sa pagkain.
Bilang
pagsuporta sa isang kaibigan na nagdadiet. Napilitan din akong mag-diet.
Hahahahaha….. pero papayag ba naman ako na hindi masarap ang kakainin ko.
nagdadiet na nga ako pipigilan ko pa sarili kong kumain ng masarap. Kawawa
naman ako nun. Kaya sinabi ko sa kaibigan ko na magdadiet kami pero dapat sa
masarap na hindi kami magsisisi na nagdiet kami. Sinabi ko sa kanya na
magsandwich na lang kami o salad na healthy pero mabubusog kami.
Doon
pumasok sa isip ko ang Subway. Ang sarap ng Sandwich nila. Mura pa at Healthy
na bagay na bagay sa mga taong nagdidiet. O ha! Maganda ba ang pagkakadescribe
ko. tikman niyo para kayo ang mag-explain. Hahahaha…… pero isa lang ang
masasabi ko. Subway is my most favorite sandwich store in the Philippines.
Talagang dapat irekomenda sa mga kaibigan, Kapamilya, Kapuso at Kapatid. Pati
Dressings na ilalagay sa Sandwich ikaw ang pipili kaya hindi ka pwedeng magsisi
dahil ikaw naman ang pumili nun. (Hugot pa!) hahahahaha….. Super na-enjoy namin
ng friend ko ang sandwich. Hindi ko na pinatagal sa titig kain agad.
Makalipas
ng ilang oras, muli kaming nagkita ng aking friend. Magkaiba kami ng working
place pero everyday nagkikita para lang kumain. Hahahaha…. Pero siyempre ngayon
dapat hindi na unhealthy ang kakainin
namin kaya naghanap kami ng pwedeng kainan na hindi nakakadagdag ng taba at doon kami napadpad
sa Pancake House. Wow super wow. Ang Sarap ng Potato Salad nila at Tuna
Macaroni Salad. (Sorry Guys! Hindi ko na tanda real name nila sa menu sa super
sarap nakalimutan ko pati tawag. Hahahaha) pero joking aside, masarap talaga
siya at mura. Kaya babalik-balikan na siya ng kaibigan ko.
Yung
mga pictures na makikita niyo. Hindi ako ang kumuha nun. Yung kaibigan ko. Kasi
kung ako ang masusunod hindi ko na pipicturan. Kakain na agad ako, pero dahil
mabait akong friend nagtiis akong maghintay. Hahahaha….. I love you friend. Wag
kang magalit sa akin kung nakukuwento kita dito. Hahahaha
Dito
ko na muna tatapusin ang aking kwento. Until next time! God bless you all!!!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento